Tinanggap ni Governor Ramon V. Guico III ang Plaque of Recognition para sa muling pagkakahirang ng Lokal na Pamahalaan ng Pangasinan bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Passer para sa taong 2022 nito lamang Disyembre 14 sa Manila Hotel.
Ang SGLG ay “ Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal,” na flagship program ng Department of Interior Local Government (DILG). Ito ay inilunsad noong 2010 bilang Seal of Good Housekeeping at noong 2014 naman ay ginawang institusyonal at higit na pinalawig.
Sa SGLG 2022 kinailangan pumasa ang mga LGU sa 10 governance areas: financial administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism, heritage development, culture and arts; at youth development.
Maliban sa Prov’l Government ng Pangasinan, SGLG passers din ang mga sumusunod na lokal na pamahalaan: Aguilar, Alcala, Anda, Balungao, Basista, Bugallon, Burgos, Lingayen, Malasiqui, Mangaldan, San Fabian, San Manuel, San Quintin, Sta. Maria, Sto. Tomas, Urbiztondo at Villasis.
Dumalo sa okasyon ang mga local chief executive ng mga naturang bayan. Naroon din si Provincial Administrator Melicio F. Patague II.